May mga araw talaga na kahit anong pilit mong ngumiti at mag saya, ramdam mo pa rin ang bigat ng pagkukulang mo. At para sa akin, ito yung araw na iyon. Hindi ako nagwaging makakuha ng mataas o kahit pasadong grado man lang sa aming Performance Task. Ngunit, sa halip na magmukmok at hayaan nalang, pinili kong harapin ang aking guro. Oo, aminado ako na kulang ako sa effort sa gawaing iyon, pero tiniyak ko naman na maipapakita ko ang paggalang, respeto at pagiging bukas sa lahat ng payo at puna na iibigay nang aking guro patungkol sa aking Performance Task.
Dahil buong paggalang at bukas na kalooban kong tinanggap ang lahat ng payo ng aking guro, mas naging magaan at maayos ang aming ugnayan. Naramdaman niya na nirerespeto ko at pinapahalagahan ang kanyang mga salita, kaya mas naging bukas din siya sa pagbibigay ng tulong at paggabay upang mapabuti ko ang aking susunod na mga gawain.
Samakatuwid, naging mahalaga ang mga di-berbal na komunikasyon [ pindutin para sa depinisyon ng konsepto]
na ginawa ko gaya ng pagtingin ng mata sa mata, pagtango, at paggamit ng wastong ekspresyon ng mukha dahil ito’y nagbibigay linaw ng nararamdaman, saloobin, at intension ng pakikipag-ugnayan nang walang sinasabi o ginagamit na salita.
No comments:
Post a Comment